Lumang Plasa ng Bayan, ni Josef Svatopluk Machar

Salin ng tula ni Josef Svatopluk Machar ng Czech Republic
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Lumang Plasa ng Bayan

Nakagugunita ang mga batingaw ngunit hindi ang mga tao;
Naroon ang isang haligi ni Maria na kinikilalang isang santo.

Naglalakad ang mga tao, naglalakad nang may alalahanin,
Paikot sa araw-araw na pagkahangal at siyang tunguhin.

Mga tao ang inaapi, ngunit hindi kailanman ang batingaw.
Nakalilimot sila habang ang batingaw ay kumakalembang.

Kahit lumipas ang mahabang panahon ng dayong pananakop,
Pinanatili nilang walang tinag ang huklubang tinig at loob.

Araw-araw, mula sa Týn ay tumatambay sila sa plasa:
Guho ang nanaig sa Vienna, guho ang nanaig sa Roma.

Alimbukad: Poetry unstoppable