Ewropa, ni Werner Aspenström

Salin ng “Europa,” ni Werner Aspenström ng Sweden
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Ewropa

Mga huklubang bangkô at katedral,
Mga kornamusa at Zeppelin,
Mga molinong walang mga bagwis.
Mga lalaking nakagora ng balát ng oso.
Mga babaeng may putong na paboreal.
Mga batang mas mapayat sa alambre.

Paano gugunitain ng kapitan ng barko
Ang lahat ng alamat ng nangaglahông isla?
Ewropa?
Anong taon iyon?
Tag-araw ba iyon o taglamig?

2 thoughts on “Ewropa, ni Werner Aspenström

  1. Magandang buhay, Sir Bobby! Hinahanap ko ang post mo rito o baka comment mo rin kung bakit EWROPA ang pagbaybay ng EUROPA. Nagtataka rin ako bakit EWROPA. Maraming salamat po, Sir Bobby!

    ADRIAN PREGONIR
    Banga, South Cotabato

    Like

    • Kung ituturing na mahinang patinig ang /u/, ito ay kakainin ng malakas na patinig na /e/ at magiging /w/, kung susundin ang ortograpiyang Filipino. Bukod dito, binibigkas namang /ew/ ang /ue/ gaya sa Europa kaya ang tunog ay Ewropa kung batayan ang Español. Ang Ewropa ay isang pag-angkin sa panig ng Filipino, at kabilang sa pag-angkin ang panghihimasok kahit sa ispeling nito. Ang Europa, sa aking pananaw, ay isang konserbatibong panghihiram, kahit ituring pang pangngalang pantangi, sapagkat apektado rito kahit ang bigkas sa Filipino.

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.