Salin ng “Provo rimorso,” ni Eugenio Montale ng Italy
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
Nagsisisi ako
Nagsisisi ako dahil pinisâ ko
ang lamok sa dingding,
ang langgam sa sahig.
Nagsisisi ako dahil suot ang itim na damit
para sa pagtitipon o kaya’y pagsalubong.
Nagsisisi ako para sa lahat, kahit para sa aliping
nagpayo kung ano ang dapat gawin ko sa buhay,
para sa pulubing pinagkakaitan ko ng limos,
para sa walang bait na tagapangulo
sa konseho ng administrasyon.