Tao at Mga Demonyo, ni Frances Brent

Salin ng “Man and Demons,” ni Frances Brent ng USA
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Tao at Mga Demonyo

Iginuhit niya ang mga kapritsosong kawal
na iniisip na tumakas.

Ibinaba niya ang manggas sa enrehadong
balát ng munting sanaw.

Ang puso sa ilalim ng kaniyang damit-sako
ay nilalagnat sa pighati.

Dahil sa awa, ang baluti ng Pag-ibig ay hiniklat
mula sa kaniyang masiklab na loob.

Inihain ng espiritu ang mga taingang pigtal,
na itlog ng isang mukha.

Pinakuliling ng may maiitim na ngipin
ang mga kampanilya.

Ang mga multo’y pumuwesto nang isa-isa
sa mga tapiseriyang hardin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.