Sa Sementeryo, ni C.P. Cavafy

Salin ng tula ni C.P. Cavafy ng Greece
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Sa Sementeryo

Kapag hinatak ng gunita ang iyong mga hakbang
Tungo sa sementeryo, sumamba
Nang may paggalang sa sagradong hiwaga
Ng ating madilim na hinaharap.
Tumingala’t ituon ang isip sa Panginoon.
Sa harap mo
Ang pinakamakitid na kama ng walang hanggang
Paghimbing ay nakasalalay sa awa ni Hesus.

Ipinagmamalaki ng ating minamahal na relihiyon
Ang mga libingan at sariling kamatayan.
Tumatanggi ito sa mga regalo, sa mga biktima
At mariringal na pagdiriwang ng mga pagano.
Salát sa mga walang saysay na paghahandog
Ng ginto
Ang pinakamakitid na kama ng walang hanggang
Paghimbing ay nakasalalay sa awa ni Hesus.

Alimbukad: World Poetry Solidarity for Humanity

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.