Nag-iisip ang puso ko habang lumiliwayway, ni Shelomo Ibn Gabirol

Salin ng tula ni Shelomo Ibn Gabirol ng España
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Nag-iisip ang puso ko habang lumiliwayway

Nag-iisip ang puso ko habang lumiliwayway,
Na ang ginagawa nito ay may dunong na sapat:
Gaya ng daigdig na liwanag ang hinihiram,
Gaya ng sumpang kunin ang mga talàng madiklap.

Alimbukad: World Poetry Marathon for Humanity