Uwi, ni Roberto T. Añonuevo

Uwi

Roberto T. Añonuevo

Nagbabantay kahit ang mga tuta
sa pinto ng karimlan
tuwing ginagabi ka sa pag-uwi.

Lumalalim ang panahon
at lumuluha ang gripo
na pihitin man ay pilit
isinasalaysay ang terminal,
dam, at metro mong naabot.

Pelikula ng megalopolis
at paniking lumilipad,
ang anino’y lilikwad-likwad.

Sumisimoy ang panalangin
na makabalik ka,
at may magulang na balisa
kapag kulang ang supling,
at nag-iisip ng maisasaing.

Marahil, ang mithing gatas
ay mapapalitan ng katakatayak,
para sa gabing bumabagal.

Magtatakbuhan ang mga tuta
kapag may kumaluskos sa bakuran.
At magsisiyasat ang mga ilong:
Isang nobela ng pagtuklas
na lumulundag sa malalayong
planeta.

Alimbukad: World Poetry Marathon for Humanity

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.