Hunyo at Tuhod, ni Tarjei Vesaas

Salin ng “Juni,” ni Tarjei Vesaas ng Norway
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Hunyo

Nababasâ ang mapapayat na binti
sa mga damo ng gabi.
Napukaw ang mga yukod na uhay sa simula
at ikiniskis ang mga hamog nito
sa nagdaraang mga tuhod.
Isang matamis na lihim.

Tatlong mahinang katok sa pinto,
sa tahimik na pagmamadali,
sa mahiwagang gabi.
Sumilang ang ngiti:
Hulí na ba ako?

Tigmak sa hamog ang balát ko,
at mahalimuyak,
At umaalimbukad ang aking katawan
paharap sa iyo.

Alimbukad: World Poetry Marathon for Humanity

Salin ng “Dine kine og mine,” ni Tarjei Vesaas ng Norway
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Mga Tuhod Mo’t Tuhod Ko

Mga tuhod mo’t tuhod ko.
At ang maligamgam na lumot.
At ang panahon ng ating kasibulan.

Ang iyong mahiyaing uhaw,
gaya sa akin.
At mabigat gaya sa akin.
Mata ng diyos sa araw
na naglalagablab.
Ang iyong pagkalito
sa akin:
Paalam.

Alimbukad: World Poetry Marathon for Humanity

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.