Mag-isa ang Gabi, tulad ng Pulubi, ni Georges Rodenbach

Salin ng “La Nuit est seule, comme un pauvre. . . .” ni Georges Rodenbach ng Belgium
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Mag-isa ang Gabi, tulad ng Pulubi

Mag-isa ang gabi, tulad ng pulubi.
Inihahain ng mga poste ng ilaw
Ang madidilaw na lagablab
Bilang abuloy.

Sintahimik ng saradong simbahan ang gabi.
Ang panlulumo ng mga poste ng ilaw
Ay naglalantad ng apoy na rosas,
Matitingkad na pumpon ng bulaklak,
Mga pumpon sa ilalim ng salamin,
ang sagradong relikyang pumupuno
sa Gabi nang may indulhensiyang plenarya.

Natitiis ng Gabi ang kirot!
Ang nagkokorong poste ng mga ilaw
Ay pinasisirit ang pula’t asupreng alab,
Gaya ng sinumpaang mga hulagway,
At mga Sagradong Puso,
Na pawang pinadurugo ng simoy sa pamamagitan
Ng malalamig na patalim.

Lalong nagngangalit ang Gabi!
Ang mga ilaw ng poste, na magkakahanay,
Ay inilaladlad ang mga bughaw na ningas,
Tulad ng mga kaluluwa, na humihinto para mamahinga,
Mga kaluluwa ng patay na araw, tinatahak ang mga daan,
Nangangarap ng pagbabalik sa kanilang saradong bahay,
Habang aali-aligid, nang malaon, sa bungad ng lungsod.

Alimbukad: World Poetry Marathon for Humanity. No to foreign invasion of the Philippines! No to War!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.