Higit na Malawak sa Langit ang Utak, ni Emily Dickinson

Salin ng “The Brain is Wider that the Sky,” ni Emily Dickinson
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Higit na Malawak sa Langit ang Utak

Higit na malawak sa langit—ang utak—
Sapagkat—tipunin nang magkakatabi—
Ang isa’y magiging bahagi ng iba
nang madali’t—ikaw— ang siyang katabi—

Higit na malalim sa dagat ang utak—
Sapagkat—hawakan—nang bughaw sa bughaw—
Hihiguping ganap ng isa ang iba—
Gaya ng espongha—Baldeng—umaapaw—

Sadya ngang katimbang ng Diyos ang Utak—
Kapag kinilatis—nang Libra por Libra—
At magtatagis nga—sakali’t maganap—
Ay para bang Pantig sa Tunog na damá—

Alimbúkad: No to Chinese occupation of the West Philippine Sea. No to Chinese military aggression. No to Chinese interference in Philippine affairs. Yes to sovereignty. Yes to freedom. Yes to Filipino.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.