salin ng “Black Soul,” ni Monique Ilboudo ng Burkina Faso salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo Kaluluwang Itim Itim at babae batid ng diyos kung ako’y may kaluluwa lalaki at babae Sino ang nakababatid kung ako’y may kultura mayroon o wala mang kaluluwa Batid kong ako’y umiiral mayroon o wala mang kultura Batid ko kung sino ako
