Salin ng tulang “ورلا Pقاس” [Drunken Brothers] ni Rumi (Muhammad Jalal al Din al-Balkhi), batay sa bersiyong Ingles nina Nesreen Akhtarkhavari at Anthony A. Lee /
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. AñonuevoBarkadang Lasing
Ikaw na humamak sa bilog na buwan
Pumunta ka rito at ako’y sinagan.
Ikaw na nagbuhos ng nektar sa diwa,
Halika, at ako’y lasingin sa tuwa.
Ilabas ang alak, uminom nang sagad
Hanggang maabot ta ang sukdol na sarap.
Huwag kang huminto’t tunggain ang tamis,
nang malasing tayong parang magkapatid.
Sa labis kong lasing, ngalan mo’y nalimot
At hindi nakita ang mukhang kay lugod.
Ako ay naliglig sa iyong hiwaga’t
Sinagip ng alak sa lungkot at hiya.
Alimbúkad: World poetry celebration for humanity. Photo by Kelly Lacy on Pexels.com