Salin ng “Otro,” ni Pablo Neruda ng Chile
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. AñonuevoIbaPablo Neruda
Sa malimit na paglalakbay sa rehiyon
na hindi pa naitatala sa mga aklat,
nakasanayan ko ang mga lupaing sutil
at doon ay walang nagtatanong sa akin
kung ibig ko ba ng mga letsugas
o kung higit kong pipiliin ang hilbás*
na nilalamon ng mga elepante.
At dahil ni wala akong maitugon,
ako’y nagtataglay ng pusong dilaw.
__________
*Hilbás [png. bot.]—— Mula sa Tagalog, ito ay isang uri ng palumpong
at katumbas ng mint [Mentha albae-carolinae Heinr.Braun] sa Ingles.
Alimbúkad: Exploring the world through translation. Photo by Jen Madhi on Pexels.com