Salin ng “Le Cancre,” ni Jacques Prévert ng France
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo Ang TunggákHindi ang winiwika ng kaniyang ulo
ngunit ang puso niya’y inuusal ang Oo
sabi niya’y oo sa anumang mahal
sabi niya’y hindi sa guro
nanindigan siya
tinanong siya
at lahat ng problema’y iniharap
sinaklot siya ng bunghalit ng halakhak
at binura niya ang lahat
ng salita at pigura
ang mga pangalan at petsa
ang mga pangungusap at bitag
at sa kabila ng mga banta ng guro
na ikinatuwa ng mga prodihiyong musmos
na may tsok ng bawat kulay
sa pisara ng kamalasan
iginuhit niya ang mukha ng kaligayahan.
Alimbúkad: Changing the world through poetry. Photo by Pixabay on Pexels.com