Salin ng “El Baile,” ni Humberto Ak’abal ng Guatemala Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo Ang Sayaw Lahat tayo’y sumasasayaw sa gilid ng isang sentimo. Ang dukha——dahil dukha siya—— ay mawawalan ng panimbang at mabubuwal at ang iba pang tao ay magsisidagan sa kaniya.
