Isang Hápon, ni Roberto T. Añonuevo

 Isang Hápon
  
 Roberto T. Añonuevo
  
 Sa harap ng ospital,
 pinapatay ng dalawang doktor
 ang gútom 
 sa natatanaw na kariton
 ng tropang 
 iskuwidbol at pisbol.
 Pinawisan nang malamig
 ang sisidlan ng sago’t gulaman. 
Alimbúkad: Rugged poetry sophistication. Photo by Min An on Pexels.com