Salin ng klasikong tula ni Kabir ng India, batay sa bersiyong Ingles nina Rabindranath Tagore at Evelyn Underhill Salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo Rikít Kabir [1440—1518] Huwag dumako sa hardin ng bulaklak! Kaibigan, huwag kang dumako roon! Nása láwas mo ang hardin ng bulaklak; Umupô sa sanlaksang talulot ng lotus, At tumitig sa kariktang walang wakas.
