Tag-ulan, ni Roberto T. Añonuevo

Tag-ulan

Roberto T. Añonuevo

May ásilo sa aking dibdib, na ang mga silid ay wasák-
wasák, maalikabok, at ang mga bintana’y nakapinid.

Isang pusa ang lumakad tungo sa nakaawang na pinto.

Sinundan mo ang pusa, at ang pasilyo’y lumiit nang lumiit.
Sumigaw ka, pagdaka’y humabol sa akin ang mga salita.

Sumásaló ng bomba ang mga pader ng aking puso,
at may ipuípong namúmuô sa sahig ng usok at bukbok.

May liwanag na ibig lumagos sa mga butás na dingdíng,
parang sira-ulo na nagháhanáp ng katwiran at dilím.

Humawì ng mga basura at bigat ang dayo sa alaala.

Ikaw na tumatawag sa akin, ikaw na sumisilip sa puwang,
ang guniguning iiwan sa aking pusong sabík at naúutál.

Alimbúkad: Epic silent poetry facing the world. Photo by Alexandr Nikulin on Pexels.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.