Alimbúkad


Roberto T. Añonuevo

ROBERTO T. AÑONUEVO, guhit ni Neil Doloricon.

Alimbúkad ang pitak ng blogistang si Roberto T. Añonuevo, na isa ring matinik na makata, kritiko, editor, at tagasalin. Isa siya sa mga pundador ng Oragon Poets Circle, ang samahan ng mga pili’t premyadong makata ng Filipinas. Kabilang sa mga tinamo niyang parangal ang Hall of Fame sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, SEAWrite Award, Komisyon sa Wikang Filipino, Grand Prize Sawikaan, National Book Award mula sa Manila Critics Circle, at maraming iba pa.

Ayon sa diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang alimbúkad, na hango sa sinaunang Tagalog, Bikol, at Bisaya, ay tumutukoy sa marahang pagbuka ng mga talulot ng bulaklak, o kaya’y sa unti-unting paglaganap ng liwanag o sinag. Tinatangka ng pitak na ito na isatitik ang gayong mga katangian, at ibahagi ang nasabing kaisipan nang may mataas na paggalang sa sinumang mambabasa.

Binuo ang Alimbúkad sa layong itaguyod, paunlarin, at palaganapin ang panitikang Filipino at wikang Filipino para sa mga Filipino saanmang pook sila naroroon. Tumatanggap ng mungkahi at puna ang awtor upang higit na mapahusay ang nilalaman at anyo ng kaniyang mga akda.

Protektado ang karapatang-ari © sa lahat ng akdang nakapaloob sa pitak na ito. Mahigpit na tinututulan ng awtor ang malaganap na plahiyo o pangongopya sa kaniyang mga sanaysay, tula, at iba pang kaugnay na akda nang walang pahintulot at upang pagkakitaan ng kung sino-sinong tao o pangkat.

Mangyaring sumulat sa alimbukad at yahoo dot com kung may nais kayong ipabatid sa kaniya, o kaya’y gamitin ang kahon ng Meebo sa gilid na kolum kung nais makipag-usap sa kaniya nang personal.

Advertisements

105 thoughts on “Alimbúkad

  1. Aba kong ginoo! Sa isang iglap, ako’y naging isang tagahanga. Salamat sa pagtataas ng kalidad ng mga panulat sa wordpress. Pagpalain ka ni Bathala.

    Like

  2. ipagpatuloy mo nawa ang pagpapayaman at paglilinang ng ating wika. kapulutan nawa ng mga anunsiyante sa himpapawid na pawang natatangay na ng wikang kolehiyala na unti-unting kumikitil sa wika nating kinagisnan. Umaalimbukad sa iyong panulat ang isang bagong usbong ng sining at titik Pinoy.

    Like

  3. Salamat po sa komentaryo ninyo sa aking tula. Isa po akong baguhan na nabigyan ng inspirasyon na magpatuloy sa pagsusulat sa wikang Filipino. mabuhay po kayo…

    Like

  4. Mukhang may mga mambabasa na hindi tatapusin ang pagbasa sa pitak na ito.Maaaring ito ay dahil sa ani nila “malalim” na mga salita. Nalulunod daw sila.

    Siyempre, makakatulong ang diksyunaryo. Lalong maunawaan ang inyong mga katha at huhusay sa wikang Filipino kung mayroong diksyunaryo. Ano po ang inyong imumungkahing diksyunaryo?

    Like

    • Inirerekomenda ko ang ikalawang edisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino na lalabas ngayong Agosto o Setyembre, at inedit ni Virgilio S. Almario. At kahit ang Tesauro-Diksyunaryo (1972) ni Jose Villa Panganiban.

      Like

  5. Ang galing! Nabuklat ko po sa isang tindahan ang unang edisyon, at nadama kong lalong makikilala ko ang wikang Filipino kung bibilhin ito, bagkus talagang makapal. Ngunit hihintayin ko muna ang ikalawang edisyon.

    Kasulukuyan ko pong binabasa ang F_l_p_no ng mga F_l_p_no ni Virgilio Almario, at hindi ako nasiyahan sa nakalagay sa likod ng libro na “nakatakdang lumabas ang ikalawang edisyon sa taong ito.” Mukhang walang maibibigay ang google na impormasyon tungkol sa labas ng bagong edisyon. Salamat po sa impormasyon. At sana ngayong Agosto na siya lumabas! 🙂

    Like

  6. magandang umaga po. maari ko po bang banggitin ang inyong sanaysay tungkol sa kathang-agham sa pilipinas sa aking tesis? nakatulong po sa akin ang sanaysay, lalo na dahil nahirapan po akong maghanap ng mga libro at kritisismo tungkol sa kathang agham. salamat po!

    Like

    • Hindi ko alam kung sinasadya mong mang-asar o manlibak o sadyang wala ka lang tiyagang magbasa. Hindi ako ang Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, at ang uri ng aking pagsusulat ay lumalampas sa usapin ng wikang Tagalog.

      Like

  7. Sir, bakit kayo naaasar kung napagkamalan kayo o tinawag na Sir Almario? Iba ba ang uri ng wikang Tagalog ni Sir Rio alma at ang paglagpas ninyo sa wikang Tagalog? ano po ang ibig ninyong sabihin, sa Filipino ba ang inyong sinusulat at limitado ang Tagalog?

    Like

  8. Salamat sa iyong mga isinusulat nakakapagbukas talaga ng isipan at nakakapagpakonsensya sa aking hindi pagbibigay ng higit na pansin sa king lenggwahe na kinalakhan.
    Pipilitin kong mabasa lahat ng iyong mga isinulat para rin sa pagpapalawak at pagpapayaman pa ng mga salitang tagalog na sa akin ay parang pangdayuhan.
    Salamat muli, mabuhay po kayo.

    Like

  9. Sir Bobby, magandang araw po…

    Hingi lang po sana ako ng mga paliwanag hinggil sa pagkaka iba at saan gagamitin ang mga salitang

    1. ng at nang
    2. daw at raw
    3.roon at doon
    4. at iba pang mga katulad nito.

    Salamat po

    Rey

    Like

  10. Magandang araw po .. nais ko lang po sanang magtanong kung nagbibigay kayo ng isang buod ng isang nobela, salamat po. . .kailangan lang po para sa aming proyekto. Maraming salamat !! ^_^

    Like

  11. Sir Bob,

    kumusta ka na at iyong kalusugan. Hindi na tayo nagkakabalitaan. Nangungumusta lamang po at lagi kang mag-ingat. araw-araw akong nagbabasa dito. parang di kumpleto araw ko kaapg di nadadaan dito sa alimbukad.

    -kiko-

    Like

  12. Kasamang Bobby,
    Isang Malayang Umaga sa iyo, maraming taon, araw at oras na ang lumipas…maraming pagbabago ang naganap sa ating buhay, ngunit ang pagkakaibigan ay nandoon pa rin hindi malilimutang mga nagdaang pangyayari, masalimuot ngunit makatotohanan ang bawat isa sa atin…sana magtagpo ang landas natin isang araw sa buwan ng Agosto ….ikaw na ang magtakda ng araw at oras at kailan para sa isang muling pagkikita…nasa pangalawang taon na nga pala sa Kolehiyo ang inaanak mo enhinyero sibil ang kursong kinukuha nya sa PUP (Venice Ellaine)…Ipaabot mo na lang ang pangungumusta ng pamilyang Villafuerte kay mareng Beth at siyempre sa dalawa mong anak..(dalawa nga ba?)

    Ka-Mhoney

    Like

  13. Magandang araw,

    Malungkot kong ibanabalita na pumanaw na ang aming Nanay Tina noong Huly 29 sa Exodusville sa Angono Rizal. Maayos naman naming inihatid sa huling hantungan ang kanyang labi….

    Sana isang araw mag krus ang ating landas sa iang payak na kumustahan….

    Muli,

    Kasamang Mhoney

    Like

  14. Maraming salamat…Patuloy ang buhay…ganyan talaga kailangan harapin at tanggapin ang kalungkutan. Tuloy ang buhay, tagapag-alaga ng mga estudyante..ika nga’y taong-bahay. Kasi walang hanapbuhay….Si Volet kasi ang kumakayod ngayon, ako’y pasimple-simple lang para kumita. Mahirap na walang maiwan sa bahay. Daming responsibilidad at dapat isakripisyo… Sana nga’y magkita tayo para naman mabago kahit papaano ang routine ng buhay ko. Memorize ko na kasi eh..hehehehehehe… Maraming kwento after 20 long years…. Pero ang nakilala mong Mhoney ay Mhoney pa rin..walang nabago kundi ung edad ko lang…. Malapit na naman ang halalan ng pambarangay…siyempre lalaban ako bilang kagawad ng bayan…. Gawan mo nga ako pare ng talumpati na kakaiba sa traditional politician… Kumusta na ang pamilya…

    Muli,
    Kasamang Mhoney

    Like

  15. Pre,

    Ito lang ang libangan ko paggabi…mag browse ng computer… Nakakainip pero wala akong choice kundi gawin ang nararapat…mahirap na walang maiiwan sa bahay sobrang dami ng gawain…

    Mhoney

    Like

  16. Gud Am,
    Pre, kelan kaya magtatagpo ang ating landas…sana punta ka dito sa B-day ko Nov. 4 un….At piyesta naman dito sa October 7….. kung meron kang time..
    Musta sa buong pamilya kay mareng beth…
    Pareng Leunamme…

    Like

  17. Magandang umaga,

    Pare aasahan ko ang iyong pagdating……
    Mabuhay ang inyong pamilya….tuloy ba ang concert ng iyong anak sa December 4…..sana makapanood ako….

    Palagi,
    Kasamang Mhoney

    Like

  18. Gud PM,

    Pre wala ako sa Angono, dito na akosa Lopez, Quezon. Pumunta lang ako ng Angono dahil don inilibing ang nanay ko, kaya nandito na ako sa Quezon Province, dito nag-aaral ang mga anak ko….malayo no…sana makapunta ka dito…. Kumusta ang buong pamilya.. God Bless to the whole family…

    ditto…..Mhoney

    Like

  19. Ser Bob, kaisa mo ako sa tagumpay ng konsiyerto nina Amansinaya. Maaari ko bang ikawing sa FB ang artikulo mo hinggil sa konsyerto? pareserb po ng dalawang ticket.
    Patuloy po ako sa paghuli ng mga Liyab sa Alaala gaya ng nabanggit mo sa akin. Mabuhay ka!

    Like

  20. Sir Bob, ang husay ng inyong mga salin.
    Inaasahan ko pa ang mga susunod na tulang naisalin mo sa Filipino.
    Maitanong ko lang po: Iyong sa “AWIT NG SUGAT” tula ni Farrokh Tamimi, yung pagamit mo ng bullet (●) sa pagitan ng ika 7 linya at 8 linya, na naghahati rin sa saknongan ng tula. Ano po ang pakahulugan nun sa editing o sa sining ng translation?
    Maraming salamat, Good Day!

    Like

  21. sir bob! maligayang bati po sa pagiging bagong hirang na direktor heneral ng komisyon sa wikang filipino! nasa kamay na ninyo ang kinabukasan ng wikang filipino! ito na ang simula ng tuwid na daan hehehehe. mabuhay po kayo!

    Like

    • Malipayon nga Paskuwa at mauswagon nga Bag-ong Tuig sa inyong tanan!
      Ang pagbati nawang ito’y magdulot sa iyo ng ibayong biyaya, suwerte, lakas, at pagnanalig na kakailanganin mo sa pagkamit ng mga pangarap.

      Isang tagay, Mhoney!

      Like

  22. Ginoong Añonuevo! Napadalaw po ako ulit. At naPepressure po akong magFilipino. Haha. Anyway, TagLish na lang po, kung okay lang. May dalawa po akong katanungan:

    1. NaBase po akong magtrabaho sa isang lalawigan sa Visayas noong nakaraang buwan. At napansin ko po na hirap na hirap silang magFilipino. May asignaturang Filipino naman po sila pero mukhang “walang talab” sa kanila. May kakilala nga po ako na 3rd college na, tapos hindi niya ako makausap maliban na lang kung mag-initiate akong magsalita gamit ang kanilang native language. Hakbangin po ba ng gobyerno na mapalaganap ang wikang Filipino sa buong bansa? Paano po nito mababalanse ang kanilang interes upang pagyamanin din ang kanilang sariling language?

    2. Pangalawa po, may mga naririnig akong mga “bagong” salitang Filipino na salin mula sa Inggles. Halimbawa na lang po dito sa WordPress. “Sulatroniko” para sa “email”, “pook-sapot” para sa “website”, etc. May bendisyon po ba ito ng Komisyon sa Wikang Filipino? Paano po napapalaganap ang mga bagong salitang ito?

    Salamat po!

    Like

    • Nakabatay sa Saligang Batas ang pagpapalaganap ng Filipino saanmang panig ng Filipinas, at ito ang tungkulin ng ahensiyang gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang pagpapayaman sa Filipino ay kaugnay at kasabay ng paglilinang ng iba pang wikang panrehiyon. Habang ginagamit ang Filipino ay dapat patuloy na kinakasangkapan din ang mga wikang panrehiyon dahil mamamatay ang mga ito kung hindi gagamitin.

      Walang basbas ng KWF ang mga salin dito sa WordPress. Kusa ko itong ginawa, dangan lamang at may ilang tao na hindi yata matanggap ang aking salin kaya ibinabalik sa Ingles ang aking nasimulan. Ginamit sa “sulatroniko” ang teknik ng pagtitipil, at bagaman bagong salita ay madaling maunawaan ng kung sino man. Samantala, ang “pook-sapot” ay ginagamit hindi lamang sa WordPress, kundi maging sa iba pang pook na gaya ng WikiFilipino.

      Patuloy na lumaganap ang mga salitang ito dahil may gumagamit. Kung sakali’t makapag-ambag ka ng mga salitang maaaring maipasok sa korpus ng wikang Filipino ay lalong makabubuti sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa.

      Like

  23. Isang malayang araw sa buong pamilya Añonuevo lalung-lalo na sa’yo pareng Bobby… Sana’y isang araw tayo’y magkrus ang landas para sa isang kamustahan…nasan na ba tayo…ang alam ko napakalayo mo na….mahirap matukyan kung saang dako hahanapin samantalang ako isang tuldok lang sa kompyuter makikita mo na ang iyong kumpareng may payak na pamumuhay dito sa lalawigan ng Quezon….walang nabago sa pamumuhay….ngunit biyaya ang anim na mga supling nasa ngayon ay pawang malalaki na at siguro sa mga darating na panahon ay magkakaroon na rin ng kani-kanilang buhay…Muli kumusta ang buong pamilya….

    Like

  24. magandang araw po. salamat po sa mga impormasyon. saan po ako makahahanap ng mga artikulo tungkol sa mga nailathala ng mga diksyunaryo, antolohiya, atbp ng KWF? maraming salamat po

    Like

  25. Isang magandang araw sa Ginoo na hingahangaan…

    Isang mabuting kaibigan mula sa KWF ang nagdala sa akin sa iyong pahina,.

    Natuwa at namangha,
    Nakaisip ng isang tula,
    Tulang kaiga-igaya,
    Sa isip nagpapaligaya…

    Inaanyayahan po kitang suriin ang aking pahina at ang inyong mga payo ay tiyak na lalong makakapagpadaldal sa aking Bolpen na taglay…

    Like

  26. Magandang araw… Musta na pare dito pa rin me sa Quezon Kagawad na ng Barangay by appointment…muzta na pasyal ka naman isang ara dito sa Quezon dito pa rin…09086040692 ang cel no. ko txt naman tayo..Muzta sa na lang sa buong pamilya…Okay naman kami ung inaanak mo 4th year college na mamamasko daw hehehehe….

    Like

  27. Pagbati sa iyo, ginoo, mula sa isang kamanlalakbay sa matuwid na daan. Ngayon ko lamang natunghayan ang alimbukad. Ngayon lamang ako nagising sa mahiwagang daigdig ng sariling wika. Bilang isang retiradong hukom mula sa Hukumang Pangrehiyon ng Bulakan, at ngayon ay isa ring propesor ng batas sa Bulakan State University, ako po ay di makaiwas tumugon sa udyok na magsuri, magsaliksik at umaksyon sa isyu ng plagiarismo at malikhaing pagnanakaw. Ito ay isang isyu na laganap ngayon hindi lamang sa mga aklat na ginagamit sa mga paaralan, kundi pati na rin sa mga talumpati ng mga kagalang-galang na opisyal at pinuno ng pinakamakapangyarihan at pinakamarangyang institusyon ng negosyo at pulitika sa bansa, gayon din sa mga dinidiyos na mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO !!!

    Like

  28. Napakahusay po ng mga artikulo na nakalatha sa alimbukad.com kaya po nais ko pong humingi ng payo/kritik ukol sa aming thesis. Ako po ay isang mag- aaral na nasa ikatlong antas na nagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipino. Sa aking pagdalaw sa inyong blog marami po akong natutunan tungkol sa aking Wika. Maraming salamat po. Mabuhay po ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Bansang Pilipinas!

    Like

  29. Natagpuan ko lang ang blog mo, at nais kong magpasalamat sa ginagawa mo dito. Bihira lang kasi ang mga nakalagay sa internet na halos purong Tagalog. Dayuhan ako, at natuto ko ang wika ninyo noong tumira ako sa Pilipinas. Pero higit na sa dalawmpung taon ang lumipas na wala ako roon, at wala naman akong kausap dito na marunong mag-Tagalog. Ayokong malimutan ang wikang ito, kaya naghahanap ako ng mga Tagalog na babasahin at panonoorin upang mapanatili ang karunungan ko. Pasinsiya ka na lang sa akin kung meron mga kamalian ang Tagalog ko.

    Like

  30. Magandang araw Ginoong Robert:
    Nais ko lamang po ipabatid ang aking marubdob na paghanga sa inyo at sa inyong mga likha. Kayo po ang aming inspirasyon ng aming paaralan upang kami po ay makapagsimula sa aming pahayagang pangkampus. Kung di po ninyo naitatanong, ang ngalan po ng aming pahayagang pangkampus ay hinalaw namin dito sa inyong pitak. Ipagpatawad po ninyo kung ito’y ginamit namin ng walang paalam sa inyo. Ito ay dahil lamang po sa malabis na paghanga namin sa inyo, higit po lalo ako bilang tagapayo ng nasabing pahayagan at guro sa filipino. Kayo ang aking isa sa naging inspirasyon noong nasa panahon ako ng pagsusunog ng kilay. At ngayong ngang guro na ako, ang pitak ninyong ito ang masidhi kong inirerekomenda sa aking mga mag-aaral para pagkuhanan ng mga mahuhusay na panitikang pilipino. Ikinagagalak ko din pong sabihin na lahat ng natutunan ko dito sa inyong pitak ay buong giting ko pong ibinabahagi sa aking mga mag-aaral. Maraming salamat po. At nawa po patuloy pa kayong pagpalain ng ating Amang Lumikha.:-)

    Like

  31. Akin po ang karangalan Ginoo..salamat po sa pagbibigay ng tugon sa aking liham. At sa pagsagot doon sa isa pa, ako din po yung nanghingi ng payo kung papaano ko pa mapaghuhusay ang aking mga mag-aaral na manunulat. Sa katunayan, sa labis kong kasiyahan,iprinint ko pa ang iyong mga katugunan sa akin at akin itong ipinagmalaki sa aking mga mag-aaral..Maraming salamat po..Dalangin ko po ang lalo pa ninyong pag-unlad at ang inyong kaligtasan..At sa mas ikayayabong pa ng ating pambansang wika..;-)

    Like

  32. Ginoong Roberto Anonuevo,

    Ako po ay isang estudyanteng nagaaral sa isang pamantasan sa Estados Unidos na tinatawag na Brigham Young University sa Provo, Utah. Tumira po ako sa Pilipinas ng halos dalawang taon bilang misyonero, at nakauwi ako noong nakaraang Agosto. Mayroon po akong kinukuhang kurso ngayon na patungkol sa panitikang Pilipino. Para sa aming panghuling pagtatanghal, kinailangan po naming pilihin ang isang manunulat sa Pilipinas (nakaraan o kasalukuyan). Kayo po ang pinili kong tatalakayin sa klase, at nangangailangan sana ako ng pagtulong ninyo. Kung maaari ko lamang hingiin ang iyong sulatronikong adres, mayroon po sana akong iilang itatanong sa inyo, at isa itong magiging malaking tulong sa akin. Salamat po.

    Buong paggalang,

    Cody Pierson

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s