Saeculum obscurum, ni Roberto T. Añonuevo

Saeculum obscurum

Roberto T. Añonuevo

If we’re going to play games, I’m going to need a cup of coffee. — Commissioner Gordon

Nabubuksán ang sakít ng úlo,

Lumilitáw ang bulók na báo.

Ang liwánag ay dilím sa mundó,

Ang busílak ay balón ng palsó.

Alimbúkad: Poetry language mind games. Photo by Pia Kafanke on Pexels.com

Sagot ng Batikán sa isang Huntahan, ni Johann Wolfgang von Goethe

Salin ng “Der Erfahrene Antworten bel einem gesellschaftlichen Fragespiel,” ni Johann Wolfgang von Goethe ng Germany
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Sagot ng Batikán sa isang Huntahan

Makipagkita sa mga babaeng malamyos ang asal
At pupusta ako’t tiyak maaangkin mo silang lahat;
At ang mabilis kumilos na lalaking buô ang tapang
Ay marahil makagagawa nang higit sa nararapat;
Ngunit ang lalaking tila suplado’t walang pakialam
Ay anuman ang piliing tugon na kaniyang bigkasin
Ay makapagpapainit, kayâ may balanì ang datíng.

Alimbúkad: World Poetry Marathon for Humanity. Image courtesy of Birmingham Museums Trust, “Phyllis and Demophoon,” 1870. Artist: Sir Edward Burne-Jones