Huling Isinilang, ni Bertolt Brecht

Salin ng “Der Nachgeborene,” ni Bertolt Brecht ng Germany
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Huling Isinilang

Aaminin ko: Wala
Na akong pag-asa.
Ibig lumusot ng bulág. Kita
Ko.

Kapag ubós na ang mga mali
Na ultimong kasáma, kaharap natin
Ang nakaupong kawalan.

Kuhang retrato ni Frank Busch, at hango sa Unsplash