Saging, ni Muuija

 Salin ng klasikong tula ni Muuija (1178–1234) ng Korea
 Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
  
 Saging
  
 Nasa puso nito ang lungting kandila——walang sindi’t wagas;
 Ang dahon ay tunikang bughaw na pumapagaspas ang manggas.
 Ito ang nakikita ng makata kapag lasing ang tingin.
 Pakibalik na lamang agad sa akin ang tanim kong saging. 
Alimbúkad: Reconstructing the past through translation. Photo by Viktoria Slowikowska on Pexels.com

Barkadang Lasing, ni Rumi

Salin ng tulang “ورلا Pقاس” [Drunken Brothers]  ni Rumi (Muhammad Jalal al Din al-Balkhi), batay sa bersiyong Ingles nina Nesreen Akhtarkhavari at Anthony A. Lee /
Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo
 
Barkadang Lasing
 
Ikaw na humamak sa bilog na buwan
Pumunta ka rito at ako’y sinagan.
Ikaw na nagbuhos ng nektar sa diwa,
Halika, at ako’y lasingin sa tuwa.       
Ilabas ang alak, uminom nang sagad
Hanggang maabot ta ang sukdol na sarap.
Huwag kang huminto’t tunggain ang tamis,
nang malasing tayong parang magkapatid.
Sa labis kong lasing, ngalan mo’y nalimot
At hindi nakita ang mukhang kay lugod.
Ako ay naliglig sa iyong hiwaga’t
Sinagip ng alak sa lungkot at hiya.
Alimbúkad: World poetry celebration for humanity. Photo by Kelly Lacy on Pexels.com

Dalawang epigrama ni Martial

Salin ng mga tula ni Martial (Marcus Valerius Martialis)
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

Dalawang epigrama ni Martial

Tumutungga ka ng masarap, ngunit naghahain
ng mumurahing alak.
Hayaan mong samyuin ko ang iyong kopa kaysa
lagukin itong hawak.

blur people wine night air bar cup meal drink club holding beer alcohol thirsty celebrate whiskey cheers raise fun friends happy hands glasses drinking dinner party reception anniversary liqueur salute alcoholic beverage sense distilled beverage fingernail polish celebratory

Tininà mo ang buhok mo upang maging bata,
O, Latinus. Hindi pa nga nagtatagal, ikaw noon
Ay kawangis sisne, ngunit uwak ka na ngayon.
Mabibigo kang linlangin yaong abang madla.
Isang araw, darating si Proserpinang batid
Ang lihim mo’t hahablutin ang pelukang ibig.

hair flower color market clothing toy colors fun head wigs