Milagro, videopoema ni Roberto T. Añonuevo

 No to illegal arrest. Free innocent detainees.
Advertisements

Paghahanda sa Kamatayan

salin ng “Preparaçao Para A Morte” ni Manuel Bandeira (na ang buong pangalan ay Manuel Carneiro de Souza Bandeira Filho)

salin sa Filipino mula sa orihinal na Portuges de Brazil ni Roberto T. Añonuevo

Paghahanda sa Kamatayan

Milagro ang buhay.
Bawat bulaklak,
na may angking hubog, kulay, at samyo,
bawat bulaklak ay milagro.
Bawat ibon,
na may angking balahibo, paglipad, at huni
bawat ibon ay milagro.
Ang espasyo, na walang hanggan,
ang espasyo ay milagro.
Ang panahon, na walang hanggan,
ang panahon ay milagro.
Ang gunita ay milagro.
Ang budhi ay milagro.
Bawat bagay ay milagro.
Lahat ng bagay ay milagro maliban sa kamatayan.
—Purihin ang kamatayan, ang wakas ng lahat ng milagro!