Salin ng klasikong tula ni Muuija (1178–1234) ng Korea Salin sa pandaigdigang Filipino ni Roberto T. Añonuevo Saging Nasa puso nito ang lungting kandila——walang sindi’t wagas; Ang dahon ay tunikang bughaw na pumapagaspas ang manggas. Ito ang nakikita ng makata kapag lasing ang tingin. Pakibalik na lamang agad sa akin ang tanim kong saging.
