salin ng dalawang tula ni Basuki Gunawan ng Indonesia salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Filipinas
Mahál
Oo, alam kong isa kang dalóm sa pusod ng dagat, ang pook na ang pinilakang isda ay tinitighaw ang gutom sa oras at espasyo hanggang ang matira’y mga takupis na nakakálat.
Paruparong Takipsilim
Mga labì mo’y malambót at basâ gaya ng basahang pansahig na kinuskusan ng libong talampakang natutuwa sa pagpasok sa silid ng kalibugan na ang mga dingding ay tinatakpan ng alikabok at ng alikabok lamang.
Alimbukad: Epic poetry translation project in search of humanity. Photo by Leeloo Thefirst on Pexels.com