Isa sa mga iniidolo kong manunulat si Iñigo Ed. Regalado, dahil hindi lamang siya primera klaseng makata bagkus mahusay ding sanaysayista, nobelista, kuwentista, kritiko, at peryodista. Naging guro at puno sa kagawarang Filipino si Regalado sa University of the East, Far Eastern University, at Centro Escolar University noong tanyag siyang manunulat, at malimit imbitahan sa mga kumperensiyang pampanitikang itinaguyod ng mga Ingleserong manunulat ng Unibersidad ng Pilipinas noong dekada 30.
Ngunit wala akong naririnig ngayong pagpapahalaga mula sa mga naturang unibersidad sa manunulat na nagbuhos ng buhay para sa panitikang Filipino. Kaya noong 17 Nobyembre 2000, lumiham ako kay Esther M. Pacheco, ang direktor noon sa Ateneo de Manila University Press, upang maipasa sa Aklatan ng Ateneo de Manila ang kahon-kahong antigong dokumento, aklat, plake, retrato, at iba pang rekwerdo ni Regalado na inihabilin sa akin ng apo niya. Matatagpuan ngayon sa Ateneo ang memorabilya ni Regalado, at nawa’y pangalagaan iyon ng naturang aklatan.
Sa ibang pagkakataon ko na tatalakayin nang malalim ang kadakilaan ni Regalado bilang manunulat, at hayaan muna ninyo akong ibahagi ang hinggil sa mga salawikaing inipon niya nang matagal.
Kung hahalungkatin ninyo ang mga antigong papeles ni Regalado, masusungpungan ninyo ang walong pahinang sulat-kamay na nagtataglay ng mga salawikain. Malinis at masinop ang dikit-dikit na titik na parang mula sa sulat ng isang dalaginding ang sulat ni Regalado. Nakaipon si Regalado ng 239 salawikain, at ang mga salawikaing ito ang pinagkakakitaan ng ilang pabliser o manunulat sa kasalukuyan na halos kinopya lamang ang tinipon ni Regalado. Ang totoo’y marami pang salawikain at bugtong ang naipon ni Regalado, ngunit hindi pa ganap na natitipon ang lahat dahil ang ibang kinalathalaan nito’y mahirap nang matagpuan sa mga aklatan. May mga kolum si Regalado noon sa mga babasahing gaya ng Ang Mithi, Pagkakaisa, Watawat, Kapangyarihan ng Bayan, Liwayway, at Ilang-ilang, at marahil bilang editor ay naipapasok niya ang mga kuntil-butil na dapat pahalagahan, gaya nga ng salawikain, retorika, talasalitaan, at paggamit ng salita.
Estetika ng Salawikain
Kung ang “bugtong,” ani Virgilio S. Almario, ay may iisang sagot, kabaligtaran naman ang “salawikain” dahil ang sagot o pahiwatig nito ay maaaring magsanga-sanga, at hindi matutuklasan sa iisang antas lamang. Halimbawa’y ang kasabihang, “Ang taong walang kibô’y/ nasa loob ang kulô” ay hindi lamang maikakabit sa taong “mahiyain ngunit maingay kapag nalasing.” Maaaring tumukoy din iyon sa mga tao na walang imik ngunit matalino, sa mga tao na mapagkumbaba ngunit pambihira ang alab, yaman, at talento. Idaragdag ko sa winika ni Almario na habang humahaba o lumalalim ang pahiwatig ng salawikain, lalong rumirikit ito pagsapit sa mambabasa dahil ang pagpapaliwanag ay hindi magiging de-kahon gaya ng aasahan sa isang bugtong. Bukod sa nabanggit, ang salawikain ay isa ring tula, dahil binubuo ito ng sukat at tugma sa ilang pagkakataon, gaya ng “May tainga ang lupà,/ may pakpak ang balità” (na pipituhin ang pantig bawat taludtod at may pandulong tugmang tudlikan) at naglalaman ng pambihirang talinghagang matalik sa puso ng taumbayan.
Ang halina ng salawikain ay nasa masining na pagkasangkapan ng mga hulagway (i.e., imahen) sa paligid at siyang batid ng taumbayan. Iniuugnay ang nasabing hulagway sa isang diwain, at ang kombinasyon ng mga diwain, sa pamamagitan man ng paghahambing, pagtatambis, at pagtitimbang, ay nagbubunga ng isa pang bukod na diwaing ikagigitla ng makaririnig. Sa unang malas ay payak ang ipinahihiwatig ng salawikain. Ngunit kung nanamnamin iyon ay mababatid ang lalim ng kaisipang dapat pagbulayan ng sinumang tao na pinatatamaan.
Papel ng Bayan
Nabubuo ang salawikain sa isip ng madla na pinagbubuklod ng iisang diskurso, ngunit ang isang bihasang makata ang posibleng nagsakataga ng niloloob ng nasabing madla. Habang tumatagal, pinayayaman ng madla ang pakahulugan at pahiwatig ng salawikain; isinasalin nang pabigkas mula sa isang salinlahi tungo sa bagong salinlahi, kaya ang salawikain ay hindi na lamang pag-aari ng isang tao bagkus ng sambayanan. Sa paglipas ng panahon, nakakargahan ng iba’t ibang pahiwatig ang salawikain alinsunod sa paggamit o pagsagap dito ng taumbayang nagkakaroon ng iba’t ibang karanasan at kabatiran. Halimbawa, ang kasabihang “Ano mang talas ng tabak,/ mapurol kung nakasakbat,” ay hindi na lamang patungkol sa patalim o talentong inililihim ng tao. Maaaring ipakahulugan din ito ng kasalukuyang henerasyon sa uten, na gaano man kahaba at katigas, kapag hindi ginamit sa tumpak na pakikipagkarat, ay manlalambot at mawawalan ng saysay. O kaya’y sa selfon o kompiyuter, na gaano man kaganda o kahusay, kapag hindi ginamit ay mawawalan ng kahulugan.
Itinuturing na sambayanan ang may-ari ng mga salawikain. Gayunman, dapat pa ring kilalanin ang gaya ni Regalado (at mababanggit din ang isa pang paborito kong si Damiana Eugenio) na walang sawa sa pagtitipon nito upang maiugit sa kamalayan ng sambayanan ang mga hiyas ng diwang dapat tandaan ng sinumang kabataan. Heto ang ilang natipong salawikain ni Iñigo Ed. Regalado, na isinaayos ko ang taludturan upang madaling maunawaan, at sa aking palagay ay walang kamatayan:
1. Ang matibay na kalooban
ang lahat ay nagagampanan.2. Kapag ang tao’y matipid,
maraming maililigpit.3. Hulí man daw at magaling
ay naihahabol din.4. Kung tunay nga ang tubó,
matamis hanggang dúlo.5. Sa maliit na dampa
nagmumula ang dakila.6. Kapag may isinuksok
ay may madudukot.7. Walang binhing masama
sa [may] mabuting lupa.8. Di man magmamana ng ari,
ay magmamana ng ugali.9. May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.10. Wika, at batong ihagis,
di na muling magbabalik.11. Kung pinukol ka ng bato,
gantihin mo ng puto.12. Ang taong mapagbulaan
ay hinlog ng magnanakaw.13. Walang matibay na baging
sa mabuting maglambitin.14. Pag ang punla ay hangin,
bagyo ang aanihin.15. Walang mataas na bakod
sa taong natatakot.16. Ang maikli ay dugtungan,
ang mahaba ay bawasan.17. Pag ikaw ay nagparaan,
pararaanin ka naman.18. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
hindi makararating sa paroroonan.19. Kapag tinawag na utang,
sapilitang babayaran.20. Malakas ang bulong kaysa hiyaw.
21. Kung saan ang gasgas,
naroon ang landas.22. Putik din lamang at putik,
tapatin na ang malapit.23. Ang taong walang kibo
ay nasa loob ang kulo.24. Sa taong may hiya,
ang salita ay sumpa.25. Kahoy mang babad sa tubig,
kapag nadarang sa init,
pilit na magdirikit.26. Ang mahuli sa daungan
ang daratna’y baling sagwan.27. Sa kinanti-kanti ng munting palakol
ay makabubuwal ng malaking kahoy.28. Ang ulang atik-atik
madaling makaputik.29. Pag maaga ang lusong,
maaga [rin] ang ahon.30. Ang tao pag naumpog,
marapat nang yumukod.31. Matisod na na sa bato
huwag lamang sa damo.32. Biro-biro kung sanlan,
totohanan ang tamaan.33. Sa lakad ng panahon,
lahat ay sumusulong.34. Ano mang talas ng tabak,
mapurol kung nakasakbat.35. Ang hinahon ay malakas
nang higit pa sa dahas.36. Sa payo ng nagigipit
hindi ka dapat manalig.
Pagpapahalaga
Nagbabago ang estetikang silbi ng mga salawikain, at ngayon, ginagamit na lamang ang mga ito para paminsang-minsang ipaskel sa pisara o bilbord bilang paalaala sa mga taong matitigas ang ulo. Sa kabila ng lahat, dapat pa ring tandaan na ang mga salawikain ay hindi lamang ginagamit para isaulo o isapuso, bagkus upang pagbuklurin ang buong bayan o lipi. Ang mga salawikain ay isang uri ng listahan ng etika, at ang etikang iyon, na kapag susundin ng mga tao, ay makapagsasaayos ng ugnayan ng mga tao, malulutas ang mga sukal ng loob o isip, at mapananatili ang panatag na pag-iral ng lipunan. Nagwawakas ang lahat sa kasunduang panlipunan, at higit sa lahat, tumataas ang uri ng komunikasyon ng bayang hitik sa kahanga-hangang bisa ng ligoy at paghihiwatigan.
galing naman.
buti naisipan mo ipunin at ilagay sa blog
LikeLike
dagdag pa:
1.pagkahaba-haba man ng prusisyon,
sa simbahan din ang tuloy.
2.ang taong nagigipit
kahit sa patalim ay kakapit
3.walang matimtimang birhen
sa matiyagang manalangin
isipin ko pa iyung ibang natandaan ko nuong estudyante pa lang ako. Mainam ding ipunin iyung mga katumbas ng mga idiomatic expressions, nalimutan ko na ang tawag nito sa Tagalog:
nagta-taingang-kawali – nagbibingi-bingihan
balat-sibuyas – maramdamin
malikot ang kamay – hindi mapagkakatiwalaan, magnanakaw
Mayaman ang Wika natin, kailangan natin itong pahalagahan para may abutan pa ang susunod na salinlahi.
LikeLike
ganda grabe sobra kakaaliw dagdag pah keo ng mgndng salawikain.
LikeLike
nais ko po sanang padalhan ako ng kopya ng mga akda ni inigo ed regalado. salamat po ng marami
LikeLike
Kung nais mong mabasa ang mga akda ni Iñigo Ed. Regalado ay mangyaring magpunta sa silid-aklatan ng Ateneo de Manila University, o kaya’y sa Pambansang Aklatan. Mabuting ehersisyo ang pagsasaliksik sa mga aklatan, bagaman nakasasama kung minsan kung ikaw ay may allergy sa alikabok o aklat.
LikeLike
pwede po ba makakuha ng salawikain tungkol sa pagpapahalaga.
LikeLike
Basahin ang aklat ni Damiana Eugenio, ang The Proverbs at doon mo matatagpuan ang hinahanap mo.
LikeLike
thanks po dito.. sana lagyan nyu po ng paliwanag yung ibang medyu malalim.. pero naintindihan ko naman yung meaning ng iba.. tnx po ulit and godbless..
LikeLike
Makatutulong sa iyo kung gagamit ka ng diksiyonaryo at tesawro sa Filipino. Sa malimit na pagbabasa ng panitikang Filipino ay gagaan ang lahat at madali mong mauunawaan ang mga pahiwatig.
LikeLike
nice. thanks for making it a blog. XD.
i used it for my report. XD thanks again.
LikeLike
nasa ikatlong baitang ako sa mataas na paaralan(highschool)..
at nais kong ibahagi ang aking nalalaman na mismo sakin nagmula:
1.”nagiging mayabang lamang ang taong mapagpakumbaba para sa mata ng mas mayabang na nilalang ”
2″kung bakit nga sila ay nagagawang magnakaw,ngunit ang magnanakaw kailanma’y di naging sila,naging masama lamang dahil sa demonyo”
3.”Pag lumutang ang barya,ang mundo’y patapos na”
Sana magamit niyo tong tatlo na to..napakahalaga nito para saakin.kung nagustuhan ninyo.maaari kayong magsadya saaking e-mail para sa iba pang mga salita ko..
plusmultiplyminus@yahoo.com
maraming salamat!
LikeLike
am,, its just like an interesting page, give some more examples
LikeLike
Hindi ko naunawaan ang Ingles mo. Isalin mo muna iyan sa Filipino at sasagutin kita.
LikeLike
meron ba kayo tungkol sa wagas na pagibig?
LikeLike
Marami kang mababasa rito sa Alimbukad tungkol sa wagas kung hindi man lagas na pag-ibig.
LikeLike
Tanong lang, saan po ako makakakita ng Storya ni Iñigo Ed. Regalado na “Ang dalaginding”? Salamat sa sasagot.
LikeLike
Hanapin mo ang koleksiyong Palakuwentuhan ni Regalado, o kaya’y ang 50 Kuwentong Ginto na muling inilathala ng Ateneo de Manila University Press.
LikeLike
Maari po bang pakibigyan ng paliwanag itong mga sumusunod:
1. Kahoy mang babad sa tubig,
kapag nadarang sa init,
pilit na magdirikit.
2. Matisod na na sa bato
huwag lamang sa damo.
3.Sa taong may hiya,
ang salita ay sumpa.
4.Kung saan ang gasgas,
naroon ang landas.
5. Putik din lamang at putik,
tapatin na ang malapit.
6. Malakas ang bulong kaysa hiyaw.
7.Pag ikaw ay nagparaan,
pararaanin ka naman.
8.Ang maikli ay dugtungan,
ang mahaba ay bawasan.
KAILANGAN LANG PO KSI TLGA E. THANK YU PO.
LikeLike
Hindi ako gumagawa ng asignatura ng sinumang estudyante. Isipin mo na lamang na ang salawikain ay walang direktang tumbasan sa realidad. Gumagamit ang salawikain ng taktika ng pagbanda, kumbaga sa bilyar. Halimbawa, ang dalawang kahoy ay maaaring itumbas sa lalaki at babae na ipagpalagay nang sumapit sa yugto na hindi sila puwedeng magsama (i.e., nababad sa tubig) dahil sa kung anong pagbabawal ng lipunan. Ngunit dahil palagi silang magkasama, maaaring matukso sila sa isa’t isa, ag magliyab gaya ng apoy ang kanilang sitwasyon o relasyon.
Maraming posibilidad ng pagbasa ang salawikain, at maaaring magpraktis kang mag-isip sa iba pang halimbawang binanggit mo.
LikeLike
ano po sa filipino ang salawikaing “it takes a village to raise a child?”.salamat po….
LikeLike
Kinakailangan ang tangkilik ng buong bayan sa paghubog ng katauhan ng bata. Hinihingi ng pagkakataon na tumulong ang bawat isa sa pagpapalaki ng bata, upang maipasa sa susunod na henerasyon ang lahat ng pinakamaringal at pinakamabuti mula sa nakalipas.
LikeLike
parang mga tanga yung nagdidislike ng mga comment….siguro nagtitrip lng yan…mga tangang bobo…. pag nalaman ko lang kung sino yung nagdidislike na yan… magaganda naman yung mga kinocomment parang TANGA eh….
LikeLike
may alam po ba kayong salawikain tungkol sa pagbanaag o pagtingin ? salamat sir :))
LikeLike
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Ay hindi makararating sa patutunguhan.
LikeLike
ganito n lng po . may alam po b kyong salawikaing tungkol sa pamagat ng nobelang banaag at sikat ? salamat sir .
LikeLike
Magpunta ka sa silid-aklatan ninyo at baka may makita ka roon.
LikeLike
pwede po bang magbigay kayo ng mga salawikain dahil po kailangan po namin sa aming paaralan (santo rosario school)
LikeLike
Marami na akong salawikain na binanggit. Kung nais mo ng iba pa, hanapin mo ang Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar para mabasa ang mga sinaunang salawikain at bugtong. Kung hindi sapat iyan, hanapin mo ang The Proverbs ni Damiana Eugenio.
LikeLike
Magandang araw, Ser Bobby. Magandang punto po ang paglalarawan ninyo sa mga salawikain na1) nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa tinutukoy na sitwasyon, at 2) na ang mga ito ay listahan ng mga etika. Lumalabas na ang ating mga ninuno ay may malalim nang pagtanaw sa mga karaniwang bagay at karanasan bilang basehan ng kanilang pag-uugali at pakikipagkapwa. May ma-irerekomenda po ba kayong mga nailathalang pag-aaral tungkol sa salawikain? Salamat po ulit!
LikeLike
Kung ang salawikain ay pag-aaralan bilang tula, at hindi lamang bilang materyal na nakapagsasaad ng etika, ang mairerekomenda ko ay ang mga pag-aaral nina Virgilio S. Almario at Bienvenido Lumbera.
LikeLike
Salamat, Ser Bobby. Matanong ko lang po, mayroon pa ba tayong mabibilhan ng lumang aklat na Diksyunaryo-tesauro ni Jose Villa Panganiban?
LikeLike
Nakabili ako ng sipi kay Mike Coroza nang nagtuturo pa siya sa Southridge. Mahirap nang makakita ng sipi, pero makasusubok ka sa Recto Avenue, sa mga tindahan ng segunda manong aklat.
LikeLike
Salamat po, Ser Bobby! Mukhang kailangang kong suyurin ang Recto para makakita ng kopya.
LikeLike
san ko po mababasa ung dalaginding ni inigo regalado?
LikeLike
Sa koleksiyon ng mga kuwento ni Iñigo Ed. Regalado; o kaya’y sa 50 Kuwentong Ginto na mabibili sa Ateneo de Manila University Press.
LikeLike
WOW!!!NAKATUlong sa akin yung mga proverbs thank you!!!!
LikeLike
anu po ang magandang slogan tungkol sa bayan? salamat po….
LikeLike
sobrang cute ng mga nagcomment dito. sino kaya talaga ang nakaiintindi ng isang salawikain? wahahaha
LikeLike
meron po ba kayong salawikain o kasabihan tungkol sa patitipon to talk about important matters?
salamat po asap
LikeLike
Ang binanggit mong salawikain o kasabihan ay sadyang binibigkas sa mga pagtitipon, halimbawa ng mag-anak, upang pag-usapan. Lahat ng salawikain o kasabihan ay may tiyak na silbi at halaga para sa isang pamayanan; kaya alinman ang piliin mo ay may kaugnayan sa pagtitipon.
LikeLike
Meron po ba kayung salawikain na pagpapalaki ng bata?
LikeLike
Magbasa ka na lamang dito sa Alimbukad, at makikita mo ang iyong hinahanap.
LikeLike
meron pa po bang iba??
LikeLike
Oo, magpunta ka na lamang sa silid-aklatan.
LikeLike
ano po ba ng kahulugan ng talinhagang ito “ang batok niya’y nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na mangga”?
LikeLike
Tingnan mo ang paghahambing ng batok sa hugis ng mangga.
LikeLike
meron bang tungkol sa kasaysayan
LikeLike
san po makikita yung tungkol sa pananaliksik???
LikeLike
Hanapin mo sa tag na “saliksik.”
LikeLike