“Pangarap sa loob ng isang pangarap,” ni Edgar Allan Poe

Salin ng “A Dream within a Dream” (1850), ni Edgar Allan Poe ng United States of America.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ng Republika ng Filipinas.

Pangarap sa Loob ng Isang Pangarap

Idampi sa kilay ang halik na ito!
Sa aking paglayo ngayon sa piling mo,
Ay hayaan akong mangako sa iyo—
Di ka nagkamali, ikaw na nagsabing
Pangarap ang aking araw sa pagkasi;
Kung ang pag-asa’y ganap na nalusaw
Sa isang magdamag o sa isang araw
May pangitain man o kahit na wala
Katumbas na nga ba ng walang bahagya?
Lahat na ng ating makita’t matatap
Ay pangarap lámang sa ubod pangarap.

Nakatindig ako dito sa pasigan
Ang atungal alon ay tagos sa lamán
At kuyom ng palad ang gintong buhangin
Na kahit kaunti’y may kung anong lagim
Sa aking daliri na nasok sa lalim
Habang lumbay ako at natak ang luha.
Diyos ko,  ano ba’t hindi maunawa
Ang aking kinuyom at taglay ng palad?
Di ba masasagip ang butil sa dagat?
Ang lahat bang ito’y sadyang malikmata,
Pangarap sa loob ng pangarap, sinta?

Edgar Allan Poe

Edgar Allan Poe

2 thoughts on ““Pangarap sa loob ng isang pangarap,” ni Edgar Allan Poe

  1. Sa toto lang po.

    kailangan po ang isang batas para baguhin ang pangalan ng Pilipinas.

    kaya tila wala pong batayang legal ang

    Republika ng Filipinas, bagama’t posiblen may batayan po ito sa gramatika.

    Like

    • Tama ka, kailangan ang isang batas. Ngunit dito sa Alimbukad ay mabilis nagsisimula ang himagsikan, kahit sa larangan ng ortograpiya, panitikan, at iba pang kaugnay na paksa.

      Kung hindi gagamitin at manananaig ngayon, wala tayong matatagpuang “Republika ng Filipinas” o “Republika Filipinas” sa hinaharap.

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.